LOOK: Pagbisita ni Coco Martin sa set ng Eat Bulaga
Ikinatuwa ng fans ni Coco Martin ang ibinahagi nitong larawan kung saan nasa studio siya ng Eat Bulaga.
Sa litrato na ipinost ni Martin sa kanyang official Instagram account, makikita na kasama niya ang mga co-star sa pelikulang “Jack em Popoy: The Puliscredibles.”
Kabilang na rito sina Vic Sotto, Maine Mendoza at Tirso Cruz III.
Nabatid na isang throwback photo ang ipinost ni Martin, na kuha sa dating studio ng Eat Bulaga sa Broadway Cetrum sa Quezon City.
May eksenang kinuhanan sa nabanggit na studio ng Eat Bulaga, para sa kanilang movie sa Metro Manila Film Festival o MMFF 2018.
Dahil sa kilalang taga-dos o ABS-CBN si Martin, inaabangan ng fans ang guesting niya sa Eat Bulaga na mapapanuod naman sa GMA-7.
Pero hindi ito matuloy-tuloy dahil sa dami ng trabaho ni Martin, na bida rin sa “FPJ: Ang Probinsyano” teleserye.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.