Neil Ethridge, hindi kasama sa Azkals squad list para sa AFC Asian Cup 2019

By Isa Avendaño-Umali December 29, 2018 - 12:12 AM

Marami ang nagulat sa hindi pagkakasama ni Neil Etheridge sa squad list ng Philippine Azkals para sa AFC Asian Cup 2019 na gaganapin sa United Arab Emirates o UAE.

Paliwanag ng kampo ni Etheridge, na kilala sa pagigng goal keeper nito, hindi siya makakasama sa koponan ng Pilipinas dahil sa ilang “club commitments.”

Nabatid na nag-commit lamang si Etheridge para sa isang match, at ito’y ang laban sa South Korea.

Sa kabila nito, malakas pa rin ang 23-man roster ng Azkals, sa pangunguna ng magkapatid na Phil at James Younghusband.

Kabilang pa sa lineup sina Stephan Schrock, Daisuke Sato, Stephan Palla, Iain Ramsay, Javoer Patiño at Patrick Reichelt.

Ang papalit naman kay Etheridge ay sina Michael Falksgaard, Nathaniel Ace Villanueva at Kevin Ray Hansen.

Ang Azkals ay nakatakdang sumabak laban sa teams ng South Korea, China at Kyrgystan.

Sa January 3, 2019 ay bibiyahe na ang Azkals patungong Dubai, bago ang unang pagharap nito kontra South Korea sa January 7, 2019.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.