Unioil, Phoenix Petroleum at Seaoil unang magro-rollback sa presyo ng produktong petrolyo
(UPDATED) Nag-anunsyo na ang kumpanyang Unioil ng kanilang “New Year’s rollback” sa presyo ng kanilang produktong langis.
Sa abiso, sinabi ng Unioil at Phoenix Petroleum na magkakaltas sila ng P1.80 sa kada litro ng Euro5 Diesel habang P1.30 naman ang bawas sa bawat litro ng Euro5 Gasoline.
Epektibo ang kanilang rollback bukas (December 29), alas-sais ng umaga.
Bukas din ng umaga ang rollback ng Seaoil sa kanilang produkto. At maliban sa presyo ng gasolina, may bawas din ito na P1.90 sa presyo ng kerosine.
Samantala, ang kumpanyang Petro Gazz nag-anunsyo rin ng parehong halaga ng rollback sa kanilang gasolina. at diesel.
Epektibo naamn ang rollback ng Petro Gazz sa Lunes, Dec. 31, alas 6:00 ng umaga.
Inaasahan naman ang magpapatupad ng rollback ang iba pang oil companies ngayong weekend o kaya’y sa Martes, ang mismong unang araw ng 2019.
Ang rollback sa halaga ng produktong petrolyo ay bunsod pa rin ng pagbaba ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.