NCRPO, babantayan ang firecracker at community fireworks display zones sa pagsalubong sa 2019
Nag-abiso na ang National Capital Region Police Office o NCRPO ukol sa firecracker zones at community fireworks display zones, kaugnay sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Ang mga lugar na ito ang tututukan ng mga pulis na naka-duty sa pagdiriwang sa New Year.
Base sa listahan na ibinahagi ng NCRPO, may kabuuang 404 firecracker zones sa buong Kalakhang Maynila.
93 dito ay sakop ng pagbabantay ng Northern Police District (NPD); 20 ng Eastern Police District (EPD); 73 ng Manila Police District (MPD); 52 ng Southern Police District (SPD) at 166 ng Quezon City Police District (QCPD).
May kabuuan naman 55 na community fireworks display zones. Dalawa rito ay nasasakupan ng NPD; 12 ng EPD; 2 rin ng MPD; 5 ng SPD at 34 ng QCPD.
Muli namang binalaan ng NCRPO ang publiko laban sa mga banned o ipinagbabawal na paputok tulad ng:
• Piccolo
• Super Lolo
• Atomic Triangle
• Large Judas Belt
• Large Bawang
• Pillbox
• Bosa
• Goodbye Philippines
• Bin Laden
• Mother Rocket
• Lolo Thunder
• Coke in Can
• Atomic Bomb
• Five Star
• Pla-Pla
• Giant Whistle Bomb
• Kabasi
• Watusi
Ang mga paputok naman na papayagan sa loob ng firecracker zones ay ang:
• Baby Rocket
• Bawang
• El Diablo
• Judas Belt
• Paper Caps
• Pulling of Strings
• Sky Rocket o Kwitis
• Small Trianggulo
Ang Pyrotechnic Devices naman na pwedeng gamitin sa labas ng firecracker zones ay ang:
• Butterfly
• Fountain
• Jumbo Regular at Special
• Luces
• Mabuhay
• Roman Candle
• Trompillo
• Whistle Devices
• Mga pailaw
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.