Ika-30 kasong may kinalaman sa Dengvaxia vaccine isinampa sa DOJ
Nagsampa ng panibagong kasong kriminal ang Public Attorney’s Office sa Department of Justice (DOJ) may kaugnayan sa pagkamatay ng bata dahil sa Dengvaxia vaccine.
Reklamong reckless imprudence resulting in homicide at paglabag sa Anti-Torture Act at Consumer Act ang isinampa ng magulang ng 12 anyos na batang si Kristel Jean Magtira.
Respondent sa kaso si dating Health Sec. Janette Garin at 38 iba pa.
Dahil dito, umabot na sa 30 ang reklamong naisasampa ng pamilya ng mga batang nasawi matapos maturukan ng bakuna.
Si Kristel ay nabakunahan ng tatlong beses ng Dengvaxia noong taong 2016 at 2017.
January 8, 2018 nang magsimulang lagnatin ang bata, nagsuka at na-comatose.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.