Hininalang tulak ng ilegal droga patay sa operasyon sa Bataan

By Dona Dominguez-Cargullo December 28, 2018 - 10:24 AM

Police banner

Patay ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang operasyon ng mga pulis sa Limay, Bataan.

Kinilala ni Bataan Provincial Police Director Sr. Supt. Marcelo Dayag ang nasawing suspek na si Jerry Taneda, 40 anyos.

Ayon kay Dayag, maliban sa pagtutulak ng ilegal na droga si Taneda ay sangkot din sa mga kaso ng panghoholdap, akyat-bahay at gun running.

Nagkasa ng buy-bust operation laban kay Taneda ang pinagsanib na pwersa ng PNP Intelligence Group, PNP CIDG at Limay Police, Biyernes, Dec. 28 ng madaling araw.

Bumunot umano ng baril ang suspek matapos matunugang pulis ang kaniyang ka-transaksyon.

Nakuha mula sa suspek ang isang kalibre 45 na baril, marked money at ilang sachet ng shabu.

TAGS: anti-illegal drugs, Limay Bataan, War on drugs, anti-illegal drugs, Limay Bataan, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.