TD Usman napanatili ang lakas habang papalapit sa Eastern Visayas
Napanatili ng tropical depression Usman ang lakas nito habang papalapit sa Eastern samar.
Huling namataan ang bagyo sa layong 250 kilometers East ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 65 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa bilis na 10 kilometers bawat oras.
Nakataas pa rin ang public storm warning signal number 1 sa sumusunod na lugar:
Luzon:
Northern Palawan
Calamian group of Islands
Camarines Norte
Southern Quezon
Marinduque
Romblon
Catanduanes
Camarines Sur
Albay
Sorsogon
Masbate
Burias Islands
Southern Occidental Mindoro
Southern Oriental Mindoro
Cuyo
Visayas:
Eastern Samar
Northern Samar
Samar
Biliran
Leyte
Southern Leyte
Northern Cebu
Camotes Islands
Aklan
Capiz
Iloilo
Guimaras
Antique
Northern Negros Occidental
Mindanao:
Dinagat Island
Ang bagyo ay tatama sa kalupaan ng Eastern Samar mamayang gabi.
Bago mag-landfall ay lalakas pa ito at magiging isang tropical storm.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.