Rollback sa petrolyo, posibleng sumalubong sa mga motorista sa Bagong Taon

By Rhommel Balasbas December 28, 2018 - 04:02 AM

File Photo

Isa na namang bawas-presyo sa langis ang namumuro ilang araw bago salubungin ang Bagong Taon.

Bagaman walang trading sa World Market noong December 24 at 25 dahil sa Kapaskuhan, malaki ang ibinaba ng presyo imported na langis sa kalakalan noong Miyerkules.

Umabot sa P2.43 sa kada litro ang nabawas sa presyo ng imported na diesel; P1.96 naman sa kada litro ng imported na gasolina; habang P2.44 ang natapyas sa kada litro ng kerosene.

Gayunman, ayon sa oil industry sources, sumipa ang presyo sa trading kahapon.

Dahil dito, kritikal ang magiging resulta ng trading ngayong araw ng Biyernes.

Kung sakali, ito na ang ikatlong sunod na linggong rollback.

Samantala, posibleng maging maganda ang salubong ng Bagong Taon sa consumers dahil sa nagbabadyang bawas-singil sa kuryente sa Enero.

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, nagmura ang singil ng mga planta ng kuryente sa Meralco na maipapasa sa January Bill ng consumers.

Mas malaki anya ang tyansang bumaba ang presyo ng kuryente kaysa sa pagtaas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.