Bilang ng mga nabiktima ng paputok umabot na sa 32

By Rhommel Balasbas December 28, 2018 - 03:46 AM

File photo

Umabot na sa 32 ang naitalang insidente ng firecracker-related injuries ayon sa Department of Health.

Ayon sa DOH, walong bagong kaso ang naitala mula sa National Capital Region, Regions 3 at 6 isang araw matapos ang Pasko.

Iginiit naman ng kagawaran na mas mababa pa rin ang naturang bilang ng 50 porsyento kumpara sa naitalang mga kaso sa kaparehong panahon noong 2017.

Apat sa 32 biktima ng paputok ay kinailangang putulan ng bahagi ng katawan ayon sa DOH.

Kabilang sa mga paputok na dahilan ng mga injuries ay ang piccolo, triangle, kwitis at ang boga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.