Bagyong Usman patuloy na kumikilos papalapit sa Eastern Visayas

By Rhommel Balasbas December 28, 2018 - 02:14 AM

Patuloy na kumikilos patungong Eastern Visayas ang Bagyong Usman.

Ayon sa 2am severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 305 kilometro Silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 65 kilometro bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometro bawat oras sa direksyong Kanluran-Hilagang-Kanluran.

Sa ngayon nakataas ang tropical cyclone warning signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:

• Camarines Norte
• Southern Occidental Mindoro
• Southern Quezon
• Marinduque
• Romblon
• Catanduanes
• Camarines Sur
• Albay
• Sorsogon
• Masbate including Ticao and Burias Islands
• Southern Oriental Mindoro
• Cuyo Island
• Eastern Samar
• Northern Samar
• Samar
• Biliran
• Leyte
• Southern Leyte
• Northern Cebu including Camotes Islands
• Aklan
• Capiz
• Iloilo
• Guimaras
• Antique
• Northern Negros Occidental
• Dinagat Island

Inaasahang isasailalim na rin sa signal no. 1 ang Northern Palawan kasama ang Calamian group of Islands sa susunod na Severe Wather Bulletin.

Ayon sa PAGASA, inaasahang lalakas pa ang Bagyong Usman at magiging isang Tropical Storm bago pa tumama sa Eastern Samar mamayang gabi.

Samantala, bawal ang paglalayag ng mga sasakyang pandagat sa eastern seaboards ng Central at Southern Luzon, eastern seaboard ng Surigao Provinces at mga lugar na nasa ilalim ng warning signal.

Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Usman sa pagitan ng Linggo ng gabi at Lunes ng umaga.

TAGS: #UsmanPH, 2am severe weather bulletin, Pagasa, #UsmanPH, 2am severe weather bulletin, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.