Antipolo City Jail, nasunog
(Updated) Nasunog ang Antipolo City Jail Huwebes ng gabi (December 27).
Katabi lamang ng city jail ang Antipolo Police Station sa Barangay San Jose.
Batay sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog alas-8:01 ng gabi.
Umabot ito sa ikalawang alarma at naapula naman pasado 9:00 ng gabi.
Kasalukuyang nagsasagawa ngayon ng accounting ang Bureau of Jail Management and Penology upang masigurong walang nakatakas na mga preso.
Mayroon namang mga inmates na isinugod sa ospital dahil sa labis na pagkakalanghap ng usok.
Nananatiling nakasara dahil sa insidente ang bahagi ng Sumulong extension road.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.