PNP, nagpaalala vs mga ipinagbabawal na paputok

By Isa Avendaño-Umali December 27, 2018 - 08:43 PM

PNP photo

Ilang araw bago ang pagsalubong sa 2019, muling nagpaalala ang Philippine National Police (PNP) laban sa mga ipinagbabawal na paputok.

Sa inilabas na listahan ng PNP, kabilang sa mga prohibited firecrackers ay ang mga sumusunod:
–              Piccolo
–              Watusi
–              Giant Whistle Bomb
–              Giant Bawang
–              Large Judas Belt
–              Super Lolo o Thunder Lolo
–              Atomic Bomb o Atomic Big Triangulo
–              Pillbox
–              Boga
–              Kwiton
–              Goodbye Earth o Goodbye Bading
–              Hello Columbia
–              Coke In Can
–              Kabasi
–              Og
–              At iba pang Unlabeled at Imported na Paputok

May katapat na parusa ang mga lalabag sa Republic Act 7183 o An Act Regulating The Sale, Manufacture, Distribution and Use of Firecrackers and other Pyrotechnic Devices.

Ito ay multang aabot sa P20,000 hanggang P30,000; pagkakakulong ng anim na buwan hanggang isang taon; kanselasyon ng License and Business Permits o kukumpiskahin ang mga produkto.

Ayon sa PNP, mainam na salubungin ang Bagong Taon nang may pag-iingat at manatiling naka-alerto at mapagmasid sa lahat ng oras.

TAGS: Bagong Taon 2019, Paputok, PNP, Bagong Taon 2019, Paputok, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.