6 patay, 15 arestado sa police operations sa Negros Oriental

By Angellic Jordan December 27, 2018 - 08:19 PM

Google map

Anim katao ang patay habang 15 naman ang nahuli sa sunud-sunod na police operations sa Negros Oriental, araw ng Huwebes.

Ayon kay Negros Oriental police director Sr. Supt. Raul Tacaca, narekober ang 21 na iba’t ibang armas at pampasabog sa 2 bayan sa nasabing lalawigan.

Ani ni Tacaca, napatay ang anim na suspek, lima sa Guihulngan City at isa sa Santa Catalina, matapos manlaban sa mga otoridad sa police operations.

Dagdag pa nito, dalawa sa 15 na naarestong suspek ay mga opisyal ng barangay sa Tacpao, Trinidad at Guihulngan City.

Sinabi naman ni 302nd Infantry Brigade commander Brig. Gen. Ignaio Madriaga na katuwang nila ang Police Regional Office 7 at Negros Oriental Police Provincial Office sa paghahain ng 26 search warrants sa mga mabundok na barangay sa Guihulngan City, La Libertad, Mabinay at Santa Catalina.

Ikinasa ang mga operasyon isang araw matapos ang ika-50 taong anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP).

TAGS: Negros Oriental, Sr. Supt. Raul Tacaca, Negros Oriental, Sr. Supt. Raul Tacaca

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.