CHR, kinondena ang kaso ng pag-abuso ng isang tatay sa kanyang anak na viral sa social media

By Isa Avendaño-Umali December 27, 2018 - 07:08 PM

Mariing kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang kaso ng pang-aabuso ng isang tatay sa kanyang anak sa Sta. Rosa, Laguna, na ang video ay viral sa social media.

Sa naturang video, mapapanood ang tatay na ibinitin-patiwarik sa bintana at binugbog pa ang kanyang 4-anyos na anak.

Naaresto na ang suspek na umamin na ang video ay pang-blackmail niya sa asawang umalis sa kanilang tahanan.

Sa isang statement, sinabi ng CHR-Calabarzon na walang sinumang bata ang dapat saktan o itrato ng masama.

Ang mga bata ay dapat na bigyan ng pagkalinga at tulong, mula sa mga magulang at lipunan.

Pinapurihan naman ng CHR ang mga otoridad na tumulong para sa agad na pagsagip sa batang biktima at pagpapanagot sa kanyang ama.

Ang biktima ay nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at sumailim na sa physical at psychological treatment.

TAGS: CHR, CHR

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.