Sen. Poe, umapela ng maayos na serbisyo para sa mga taong naabala ng APEC

By Kathleen Betina Aenlle November 17, 2015 - 02:48 AM

 

Inquirer/Niño Jesus Orbeta

Hinimok ni Sen. Grace Poe ang pamahalaan na isaalang-alang din ang byahe ng mga commuters na maaapektuhan ng isang linggong Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit.

Ayon kay Poe, bagaman isang responsibilidad ang pagtitiyak sa kaligtasan ng mga bisita ng bansa, mahalaga rin naman aniya na bigyan ng maayos na serbisyo ang taumbayan.

Nabatid kasi ang hirap na dinanas ng mga motorista at mga pasahero kahapon sa unang araw ng implementasyon ng pagsasara ng mga kalsada at traffic rerouting bunsod ng mas pinahigpit na seguridad para sa mga delegado ng APEC.

Tama lang naman aniya na hingin ang pang-unawa at mas mahabang pasensya mula sa publiko ngunit dapat din naman ay gumawa ng paraan ang gobyerno para magtalaga ng mga alternatibong ruta para sa mga taong kailangan pa ring pumasok sa trabaho.

Kaugnay naman sa pag-atakeng naganap sa Paris kamakailan lamang, iminungkahi ni Poe na dapat magkaroon ng ugnayan ang iba’t ibang mga bansa para magbahagi ng kani-kanilang intelligence information tungkol sa posibleng banta sa seguridad.

TAGS: apec, grace poe, Senate, traffic, apec, grace poe, Senate, traffic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.