Ama sa viral video na nambitin at bumubog sa anak arestado
Naaresto na ng mga otoridad ang tatay na nasa sa likod ng viral video sa social media na nambitin at bumugbog sa kanyang sariling anak.
Ang suspek na kinilalang si Melvin Batitis , 31-anyos.
Siya ay nahuli ng mga pulis sa Pooc, Sta. Rosa, Laguna kaninang umaga at nakatakdang kasuhan ng child abuse at isasailalim din sa drug test.
Sinabi ni Supt. Eugene Orate, hepe ng Sta. Rosa City Police Office, binanggit ng suspek na ang ginawa niya sa kanyang anak ay isang pamba-blackmail sa kanyang misis na umuwi ng Iloilo.
Ang video na kumakalat ngayon sa social media ay kinunan ng suspek noong December 18.
Ang apat na taong gulang na anak ng suspek ay isinailalim na sa medical test at nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Hihintayin ng ahensya ang ina ng bata, bago magpapasya ukol sa kustodiya ng biktima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.