9 na mga lalawigan isinailalim sa signal number 1 dahil sa #BagyongUsman

By Justinne Punsalang December 27, 2018 - 05:03 AM

Napanatili ng bagyong Usman ang lakas nito habang nagpapatuloy sa paggalaw sa direksyong kanluran, hilagang-kanluran.

Sa 5AM severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 435 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Taglay pa rin nito ang hanging 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna, at pagbugsong aabto naman sa 65 kilometro bawat oras.

Gumagalaw ang bagyo sa bilis na 20 kilometro bawat oras.

Sa ngayon ay nakataas ang Tropical Cyclone Warning Signal Number 1 sa mga lalawigan ng Sorsogon at Masbate, kabilang ang Ticao Island; Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, at Northern Cebu kabilang ang Camotes Islands; maging sa Dinagat Island.

Ayon sa PAGASA, posibleng itaas din ang signal number 1 sa lalawigan ng Romblon, Albay kabilang ang Burias Island, Aklan, Capiz, hilagang bahagi ng Negros Occidental, at hilagang bahagi ng Iloilo sa susunod na bulletin mamayang alas-11 ng umaga.

Inaasahang bukas, December 28 ay tatama sa kalupaan ang bagyo ngunit bago ito ay mayroong posibilidad na lumakas ang sama ng panahon at maging isang Tropical Storm.

Sa bisperas naman ng Bagong Taon inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Usman.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.