Paggamit ng plastic bawal na sa Bali

By Justinne Punsalang December 27, 2018 - 12:26 AM

Jakarta Post

Naglabas ng kautusan ang lokal na pamahalaan ng Bali, Indonesia na nagbabawal sa single-use plastic.

Sa pamamagitan ng Gubernatorial Regulation No. 97/2018, ipinag-utos ni Bali Governor Wayan Koster ang paggamit ng mga plastic gaya ng shopping bag, styrofoam, at straw.

Umaasa si Koster na sa pamamagitan ng naturang kautusan, bababa ng 70% ang marine plastic sa kanilang lugar sa loob lamang ng isang taon.

Mayroong anim na buwang ‘grace period’ na inilaan ang lokal na pamahalaan ng Bali mula sa pag-iisyu ng kautusan noong December 21.

Ani Koster, ang polisiya ay hindi lamang para sa mga indibidwal ngunit maging sa mga producers, distributors, suppliers, at negosyante upang bawasan kung hindi man tuluyan nang itigil ang paggamit ng plastic.

Aniya, dapat na humanap ang mga ito ng ibang magagamit na hindi magdudulot ng pagkasira ng kalikasan.

Ang mga hindi susunod sa kautusan ay hindi na bibigyan ng panibagong business permits.

Samantala, pinag-iisipan na ng pamahalaan ng Jakarta na sundan ang hakbang ng Bali.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.