Mga checkpoint sa buong bansa pinaiigting ni Pangulong Duterte

By Justinne Punsalang December 27, 2018 - 03:42 AM

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis at militar na paigtingin pa ang mga nakatayong checkpoints sa buong bansa.

Ito’y matapos ang pananambang kay Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe kamakailan.

Sa isang ambush interview sa kanyang pagbisita sa lamay ng mambabatas, sinabi ni Pangulong Duterte na inutusan na niya ang mga tagapagpatupad ng batas na patayin iyong mga hindi magpapasailalim sa inspeksyon sa mga checkpoint.

“If you carry a gun and you passed by a checkpoint and you refuse to stop because you are with the governor or mayor, my order to the police and to the military, son of a bitch, kill them,” ani Duterte.

Ayon sa punong ehekutibo, kahit na opisyal ng gobyerno ay dapat sumunod sa mga checkpoint.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.