MMDA posibleng magdagdag ng lane sa EDSA
Pinag-iisipan ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang posibilidad ng pagdadagdag ng isang lane sa kahabaan ng EDSA — ngunit ang kapalit nito ay ang pagpapakipot sa kasalukuyang mga lanes.
Sa isang panayam, sinabi ni MMDA spokesperson Celine Pialago na sa ilalim ng ‘road diet’ ay magiging 2.8 meters na lamang ang lawak ng isang lane sa EDSA mula sa kasalukuyang 3.4 meters.
Isa aniya ito sa pinag-aaralan ng MMDA na solusyon upang mapagaan ang trapiko sa kahabaan ng EDSA.
Sakaling maipatupad ang road diet, madaragdagan ng 6,000 mga sasakyan ang capacity ng kalye.
Nakasaad din aniya sa batas na ang pinapayagang lapad ng mga sasakyan ay hindi dapat lumagpas ng 2.5 metro.
Ibig sabihin aniya nito, kahit na maging 2.8 meters na lamang ang lapad ng isang lane sa EDSA ay mayroon pa ring sapat na espasyo para hindi magkagitgitan ang mga sasakyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.