Red tide alert nakataas sa Bataan at Pampanga

By Justinne Punsalang December 27, 2018 - 12:00 AM

FILE PHOTO/Cebu Daily News

Nananatiling nakataas ang red tide alert sa mga baybayin ng Bataan at Pampanga.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nagpositibo sa paralytic shellfish poisoning ang mga samples ng lamang dagat mula sa dalawang mga lalawigan.

Partikular na ipinagbabawal kainin ang mga tahong, talaba, halaan, maging ang mga alamang.

Ayon sa BFAR, ligtas namang kainin ang mga isda, alimango, hipon, at pusit basta’t tiyakin lamang na nalinis itong maigi at tinanggal ang kanilang mga lamang-loob.

Unang itinaas ang red tide alert sa Bataan at Pampanga noong November 24.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.