Listahan ng mga ipinagbabawal na paputok inilabas ng DILG

By Justinne Punsalang December 27, 2018 - 03:30 AM

Muling nagpaalala ang pamahalaan sa publiko tungkol sa mga paptuok na ipinagbabawal gamitin lalo na’t papalapit na ang pagdiriwang ng Bagong Taon.

Batay sa listahan ng Department of Interior and Local Government (DILG), mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga sumusunod na paputok:

– Watusi
– Picolo
– Super lolo
– Atomic Triangle
– Large Judas Belt
– Large Bawang
– Pillbox
– Boga
– Goodbye Philippines
– Bin Laden
– Mother Rocket
– Lolo Thunder
– Coke-in-can
– Atomic Bomb
– Five Star
– Pla-pla
– Giant Whistle Bomb
– Kabasi

Samantala, mayroon ding mga paputok na pwedeng gamitin ng publiko ngunit sa loob lamang ng mga designated firecracker zones. Ito ang mga sumusunod:

– Baby Rocket
– Bawang
– El Diablo
– Judas Belt
– Paper Caps
– Pulling of Stringers
– Small Triangulo

Ilang mga firecrackers naman ang maaaring gamit kahit wala sa firecracker zones:

– Butterfly
– Fountain
– Jumbo, regular and special Luces
– Mabuhay
– Roman Candles
– Sparklers
– Trompillo
– Whistle Device

Ang mga mahuhuling gumagamit ng ipinagbabawal na paputok ay maaaring makulong sa loob ng anim na buwan hanggang isang taon, bukod pa sa multang P30,000.

Samantala, ilang mga lungsod na sa Metro Manila ang nagdeklara ng total ban sa paggamit ng mga paputok at pailaw sa mga pampublikong lugar, liban sa designated fireworks display areas. Partikular na nagpapatupad ng total firecracker ban ang mga lungsod ng Marikina, Pasig, at Quezon City.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.