Aplikasyon para sa bagong SC Justice binuksan na ng JBC

By Ricky Brozas November 16, 2015 - 08:10 PM

supreme-court
Inquirer file photo

Binuksan na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang aplikasyon para sa mababakanteng posisyon sa Korte Suprema.

Ito ay matapos ihayag ang pagtanggap sa optional retirement ni Associate Justice Martin Villarama epektibo sa January 16 2016.

Ayon kay Supreme Court En Banc Clerk of Court at JBC ex-Officio Secretary Atty. Felipa Anama, ang mga interesado sa nasabing pwesto ay kailangang magsumite ng kanilang aplikasyon bago o sa November 23 2015 sa JBC secretariat sa Supreme Court main building.

Samantala, sa December 11 naman ang deadline ng aplikasyon para sa posisyong regular member ng Legal Education Board ng Integrated Bar of the Philippines (IBP).

Ang mga aplikante sa posisyon ay dapat na natural-born Filipino citizen, kasapi ng Philippine Bar, 10 taon nang nagpapraktis ng abogasya at kapareho dapat ang sweldo at ranggo nito ng mga miyembro ng Constitutional Commissions.

 

TAGS: IBP, JBC, Justice, Supreme Court, IBP, JBC, Justice, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.