Kinilala ni Lt. Col. Harold M. Cabunoc, ang 33rd Infantry Makabayan Batalion commander, ang matatapang na pinuno ng Lumad na nagkilos-protesta kontra sa New People’s Army o NPA sa Koronadal City.
Ito ay kasabay ng ika-50 taong anibersaryo ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ngayong araw.
Ayon kay Cabunoc, nag-aalsa kontra sa komunistang grupo ang tribal leaders na pinangunahan ng lider ng Lumad na si Bai Nenita Billones at Ka Jason, na isang dating rebeldeng miyembro ng NPA.
Umabot sa 50 na Lumad ang nagsisigaw sa galit dahil sa panlilinlang ng front organization na Kaluhamin para ang tribo ay sumampa sa armadong grupo.
Kasama sa inirereklamo ng mga Lumad ay ang pagkamatay ng mga kapwa Lumad sa mga engkwentro dahil sa pagsampa nila sa komunistang terorista.
Sinabi ni Cabunoc, matagumpay ang kampanya ng 33rd IMB at LGU laban sa mga komunista.
Umabot na sa 203 na rebeldeng NPA ang sumuko sa Makabayan battalion simula noong May 2017.
65 sa kanila ay nakatanggap na ng benepisyo mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program ng gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.