8-anyos na Guatemalan migrant boy, nasawi habang nasa US detention
Patay ang isang 8-anyos na Guatemalan migrant boy, makaraang madetine ng US border agents.
Ito na ang ikalawang batang migrant na nasawi ngayong buwan habang nasa US detention.
Nangyari rin ang insidente sa gitna ng mainit pa ring usapin ukol sa immigration policies ni U.S.A. President Donald Trump.
Sa isang statement, sinabi ng U.S. Customs and Border Protection o CBP na ang bata at ang kanyang ama ay nasa kustodiya ng CBP noong December 24 nang mapansin ng isang Border Patrol agent na may sakit na ang menor-de-edad.
Dinala ang mag-ama sa Gerald Champion Regional Medical Center sa Alamogordom New Mexico, kung saan na-diagnose ang bata na may lagnat at kinalauna’y nakalabas din ng pagamutan.
Gayunman noong kinagabihan, ang bata ay nagsimula nang magsuka at muling ibinalik sa ospital ngunit nasawi rin. Hindi pa batid ang sanhi ng kamatayan ng bata.
Hindi naman inilabas ng mga otoridad doon ang pangalan ng mag-ama, pero nangako ang CBP na maglalabas sila ng detalye sa mga susunod na araw.
Naipaalam na sa mga opisyal ng Guatemala ang nangyari sa bata, subalit wala pa umanong reaksyon dito ang gobyerno ng naturang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.