Bagong pamantayan para sa fare adjustment isinasaayos na ng LTFRB

By Justinne Punsalang December 26, 2018 - 03:21 AM

Makalipas magkaroon ng pabagu-bagong minimum na pamasahe sa mga pampasaherong jeep ngayong taon, ipinag-utos na ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang pagkakaroon ng technical working group na silang bubuo ng formula-driven matrix na pagbabatayan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sakaling muling magkaroon ng adjustment sa pasahe.

Ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra III, nagpupulong na ang TWG upang ayusin ang formula para sa fare adjustment.

Kapag naisapinal na nila ito, magkakaroon muna ng public consultation bago ito tuluyang aprubahan at ipatupad.

Paliwanag ni Delgra, sa pamamagitan ng isang formula, madali nang maitatakda ang bagong fare rates batay sa iba’t ibang sirkumstansya na makaaapekto dito.

Umaasa aniya siya na sa unang quarter ng 2019 ay mailalabas na ng TWG ang formula.

Matatandaan na mula sa P8 na minimum fare, itinaas ito sa P9 sa pamamagitan ng pisong provisional fare increase, at sinundan ng pagtataas ng pasahe sa P10.

Ngunit makalipas lamang ng ilang linggo ay naglabas ang LTFRB ng isang resolusyon na nagpapataw ng pisong provisional rollback, kung kaya naibalik sa P9 ang pamasahe sa mga pamapasaherong jeep.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.