Publiko pinag-iingat ng militar sa ika-50 anibersaryo ng CPP
Inaabisuhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang publiko na maging mas maingat at manatiling alerto ngayong araw ng Miyerkules, December 26 dahil ngayon ipinagdiriwang ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ang kanilang ika-50 anibersaryo.
Sa isang pahayag, sinabi ni AFP spokesman Colonel Noel Detoyato na posibleng maglunsad ng iba’t ibang pag-atake ang NPA ngayong araw, dahilan para pag-ibayuhin ng mga mamamayan ang kanilang pag-iingat.
Mananatili aniyang nakabantay ang mga sundalo para sa anumang banta ng pag-atake ng NPA ngayong araw.
Aniya pa, ang alert level ng militar laban sa mga banta ay nakadepende sa mga field commanders sa iba’t ibang mga lugar.
Gayunpaman, sinabi ni Detoyato na wala namang dapat ipagdiwang ang CPP-NPA-NDF dahil wala naman silang achievement na ipagmamalaki.
Sinabi pa ni Detoyato na bukas ang kanilang mga himpilan para sa sinumang rebelda na nais magbalik-loob sa pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.