Magnitude 3.7 na lindol tumama sa Davao Occidental
By Justinne Punsalang December 25, 2018 - 10:59 PM
Niyanig ng isang magnitude 3.7 na lindol ang bayan ng Don Marcelino sa lalawigan ng Davao Occidental.
Sa abisong inilabas ng PHIVOLCS, naitala ang episentro ng lindol sa layong 63 kilometro sa nabanggit na bayan, partikular sa dagat na sakop nito.
Alas-9:24 ng gabi ng mangyari ang pagyanig.
May lalim ang lindol na 130 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Walang naitalang intensities ang PHIVOLCS dahil sa pagyanig.
Dagdag pa ng ahensya, walang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian o aftershocks ang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.