Bilang ng mga nabiktima ng paputok, indiscriminate firing mas mababa ngayong taon kumpara noong 2017
Generally safe at peaceful ang paggunita sa pasko ngayong 2018.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Benigno Durana, 75 percent na mas mababa ang mga nasugatan ngayong taon dahil sa paputok kumpara noong nakaraang taon.
Dagdag ni Durana, 70 percent din na mas mababa ang bilang ng indiscriminate firing at illegal discharge ng baril.
Ayon kay Durana, tumaas ng 1000 percent ang bilang ng mga nakumpiksang paputok ngayong taon.
Maging ang bilang ng krimen sa Metro Manila ay bumaba rin.
Ayon kay Durana, kaya naging mapayapa ang paggunita ng pasko ngayong taon dahil sa pinaigting na anti-criminality at public safety campaign na inilunsad ng PNP sa buong bansa sa pamamagitan ng Ligtas Paskuhan 2018.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.