AFP operations sa mga komunista at terorista tuloy kahit Pasko

By Den Macaranas December 25, 2018 - 06:39 PM

Inquirer file photo

Tuloy ang opensiba ng militar laban sa mga grupong terorista at komunista sa bansa kahit ngayong panahon ng kapaskuhan.

Sinabi ni 6th Infantry Division Commander, M/Gen. Cirilito Sobejana na sapat ang kanilang mga tauhan bagaman ang ilan ay pinayagan munang makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay ngayong Pasko.

Kailangan umano nila maging handa makaraang tumanggap ng banta ng pag-atake ang ilang lugar sa Mindanao region.

Kinabibilangan ito ng Cotabato City, Tacurong City, Kabacan at Midsayap kung saan ay nakapwesto na rin ang dagdag na mga tauhan ng militar.

Sinabi pa ng opisyal hindi na nila papayagang maulit ang naganap na pagdukot sa ilang tauhan ng militar at Cafgu sa Agusan del Sur kamakailan.

Umapela rin si Sobejana sa publiko na makipag-ugnayan sa pulis at sa militar kapag may nakitang silang mga kahina-hinalang grupo sa kani-kanilang mga lugar.

TAGS: Cotabato City, Kabacan at Midsayap, M/Gen. Cirilito Sobejana, NPA. AFP, TAcurong City, Cotabato City, Kabacan at Midsayap, M/Gen. Cirilito Sobejana, NPA. AFP, TAcurong City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.