Bagyong Usman nakapasok na sa PAR ayon sa Pagasa
Nakapasok na sa bansa ngayong Pasko at isa nang ganap na bagyo ang namataang Low Pressure Area (LPA).
Ang nasabing bagyo na pinangalanang “Usman” ay huling namataan kaninang alas-tres ng hapon sa layong 955 kilometers Silangan ng bayan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Sinabi ng Pagasa na si Usman ay may lakas na hanging aabot sa 45 kilometers per hour at gustiness o pagbugsong aabot naman sa 60 kilometro kada oras.
Tinatahak nito ang direksyong Hilagang-Kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
Unang mararamdaman ang ulan na dala ni Usman sa lalawigan ng Samar bago tahakin ang direksyon papunta sa Bicol region sa Huwebes ng hapon.
Asahan rin ang pag-ulan sa malaking bahagi ng Central Visayas at Caraga region ayon pa sa Pagasa.
Dahil sa umiiral na weather system ay magiging maulan rin ang malaking bahagi ng Luzon hanggang sa Sabado.
Samantala, nakalabas na sa bansa bansa ang isa pang sama ng panahon na namataan malapit sa lalawigan ng Palawan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.