Mga bagong commander ng Philippine Army, nagsimula na sa trabaho

By Justinne Punsalang December 25, 2018 - 03:46 AM

Courtesy of Philippine Army

Pormal nang sinimulan ng dalawang mga bagong commander ng Philippine Army ang kanilang panunungkulan noongnakaraang linggo.

December 19 nang tuluyang ipasa ang pamumuno sa 9th Infantry Division sa Bicol Region kay Major General FernandoTrinidad sa Camp Elias Angeles sa Camarines Sur.

Bago ang naturang bagong pwesto, nanungkulan muna si Trinidad bilang deputy chief of staff for intelligence.

Pinalitan ni Trinidad si Major General Jesus Mananquil, Jr. na nagretiro na.

Samantala, sinimulan naman ni Brigadier General Jose Faustino, Jr. ang kanyang panunungkulan bilang bagongcommander ng 10th Infantry Division sa Davao Region noong December 22.

Ipinasa ni Major General Noel Clement ang posisyon sa Camp General Manuel T. Yan Sr. sa Compostela Valley, matapos
siyang ilipat naman sa Central Command.

Ang dalawang change-of-command ceremony ay kapwa pinamunuan ni Army chief, Lieutenant General MacairogAlberto.

TAGS: Philippine Army, Philippine Army

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.