Panelo kay Sison: Kayo ang tunay na human rights violator

By Den Macaranas December 24, 2018 - 07:17 PM

Binuweltahan ng Malacañang si Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison.

Ito ay makaraan niyang tawagain na “abominable violator of the human rights” si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na malinaw naman sa publiko kung sino ang tunay na naghahasik ng kaguluhan at nagpapagulo sa ating bansa.

Sa kanyang pahayag, sinabi ng kalihim na mula noon hanggang ngayon ay pangarap ng grupo ni Sison na pabagsakin ang pamahalaan sa pamamagitan ng paggamit ng armas at dahas.

Ang matagal na rebelyon at terorismo ng mga kasapi ng New People’s Army ay nagresulta na ng maraming pagkamatay ayon pa kay Panelo.

“It is Jose Ma. Sison, as founder of the CPP-NPA, that aims to destroy the government that should rightfully get the dubious distinction of being the leading ‘abominable violator of human rights,” bwelta pa ng opisyal.

Nauna dito ay sinabi ni Sison na magreresulta lamang sa kaguluhan ang desisyon ng pangulo na ituloy ang pagdurog sa rebeldeng grupo.

Magugunitang sinabi ng pangulo na tuloy ang operasyon laban sa CPP-NPA at sinundan pa niya ito ng pagbuo ng isang grupo na naglalayong supilin ang rebelyon sa bansa.

Hindi rin tatapatan ng militar ang idineklarang unilateral ceasefire ng mga teroristang NPA para sa panahon ng kapaskuhan at pagsalubong sa bagong taon.

Dagdag pa ni Panelo, “The CPP-NPA in sowing violence against the people will reap violence from its protector. That is the irreversible law of karma or the law of cause and effect.

TAGS: Ceasefire, christmas truce, duterte, New Year, panelo, Sison, Ceasefire, christmas truce, duterte, New Year, panelo, Sison

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.