Mga dinampot na nanlilimos na katutubo sa Metro Manila umabot na sa 1,000
Isang araw bago ang araw ng Pasko, higit 1,000 katutubo na namamasko sa mga kalsada sa Metro Manila ang dinampot ng mga pulis.
Sinabi ni NCRPO Director Guillermo Eleazar ang bilang ay mula noong Disyembre 11 hanggang kaninang (Dec. 24) 5:00 ng madaling araw.
Ayon pa kay Eleazar, ito ay pagpapatupad nila sa Presidential Decree No. 1563 o ang Mendicancy Law of 1978.
Dagdag pa nito, sa isinagawang 126 operasyon, halos 60 porsiyento ng mga nadampot ay mga kabataan.
Nabatid din na sa 967 na dinampot, 210 ang mga Aeta, 143 ay Badjao at ang iba naman ay mula na sa ibat ibang grupo.
Samantala, 349 sa kanila ay dinampot sa mga lansangan sa Maynila, 322 sa Quezon City at 213 sa mga lungsod sa Southern Metro.
May mga dinampot na ibinigay sa kustodiya ng DSWD. Manila Boys Town at barangay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.