Mga nasa likod ng pamamaslang kay Rep. Batocabe mananagot sa batas – Malakanyang

By Chona Yu December 24, 2018 - 10:59 AM

Tiniyak ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na mananagot sa batas ang mga kriminal na nasa likod ng pagpaslang kay Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe.

Kumpiyansa si Nograles, na gagamitin ng mga awtoridad ang lahat ng pamamaraan para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni batocabe at hindi na maulit ang kahalintulad na insidente.

Ayon kay Nograles, bago naitalagang cabinet secretary ni Pangulong Rodrigo Duterte, nakasama niya si Batocabe sa Kamara.

Ipinakita aniya ni Batocabe ang totoong pagkatao ng isang mambabatas at kahanga-hangang work ethic.

Bukod dito, sinabi ni Nograles na isang mabuting kaibigan si Batocabe, mapagmahal na asawa at ama at palaging binibigyang prayoridad ang kapakanan ng kanyang mga kababayan sa Bicol.

Nagpaabot din ng pakikiramay si Nograles sa pamilyang naiwan ni Batocabe.

TAGS: batocabe, Karlo Nograles, batocabe, Karlo Nograles

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.