Maraming positibong pangyayari sa bansa na dapat ipagpasalamat ngayong 2018 – Prof. Casiple
Maraming ipagpapasalamat ang publiko na magagandang nangyari sa bansa ngayong taong 2018.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Political Analyst, Prof. Ramon Casiple, maraming positibong bagay na naganap sa Pilipinas ngayong 2018 na dapat na ipagpasalamat.
Kabilang aniya dito ang pagbaba ng unemployment rate at pagbaba na ng inflation.
Sinabi rin ni Casiple na maaring ang sa susunod na taon magtuluy-tuloy pa ang mga positibong nangyayari sa bansa at ang hirap na naranasan sa unang bahagi ng 2018 ay maiibsan na sa pagpasok ng 2019.
Katunayan ani Casiple sa kanilang lalawigan lamang sa Iloilo ramdam na ramdam ang pag-ulad.
Mula sa dating apat na mall, nadagdagan ito ng lima pa sa nakalipas lang na isa at kalahating taon at sunud-sunod din ang infrastructure projects
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.