Pagbebenta ng lahat ng uri ng paputok bawal sa bayan ng Rodriguez sa Rizal

By Dona Dominguez-Cargullo December 24, 2018 - 10:29 AM

Walang anumang uri ng paputok na maaring maibenta sa bayan ng Rodriguez sa lalawigan ng Rizal.

Ito ay makaraang walang makapagsumite ng permit sa lokal na pamahalaan upang patunayan na sila ay otorisadong makapagtinda ng paputok.

Ayon kay Supt. Melchor Agusain, hepe ng Rodriguez police station, bago makapagbenta ng paputok, dapat ay mayroong permit mula sa Firearms and Explosives Office ng PNP Camp Crame bago makapagtinda.

Dahil dito, lahat ng klase ng paputok, ipinagbabawal man o hindi ay hindi pwedeng ibenta sa buong bayan.

Ang mahuhuling nagtitinda ay kukumpiskahin ang produkto at papatawan ng karampatang multa.

Hinikayat din ang publiko na magsumbong sa pulisya kung may makikitang lumalabag at nagbebenta ng paputok.

TAGS: Holiday, New Year, Radyo Inquirer, Rodriguez Rizal, Holiday, New Year, Radyo Inquirer, Rodriguez Rizal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.