Turkey, tinarget din ng ‘Paris-style’ attack
Posibleng tinarget din ng pag-atake ang Turkey kung saan kasalukuyang ginaganap ang G20 summit na dinadaluhan ng maraming heads of state.
Noong nakaraang linggo bago ang naganap na serye ng pag-atake sa Paris, mayroong naarestong terorista na pinamumunuan ng isang British-born jihadist sa Turkey.
Sa report ng Agence France Press, sinabi ng isang Turkish official na isang Aine Lesley Davis, na London-born British Muslim, ang posibleng nagplano ng pag-atake sa Istanbul na kasabay sana ng serye ng pag-atake sa Paris noong Biyernes.
Pero nagawa umanong maharang ng mga otoridad ang nasabing pag-atake.
“We believe they were planning an attack in Istanbul on the same day as the Paris attacks. Initial investigation shows we foiled a major attack” on Friday, ayon sa isang Turkish official.
Iniimbestigahan na ngayon ng mga Turkish authorities ang posibleng kaugnayan ng mga naarestong nilang indibidwal sa naganap na serye ng pag-atake sa Paris.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.