Mahigit 80,000 mga pasahero bumiyahe sa mga pantalan sa nakalipas na magdamag
Patuloy ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan sa bansa.
Kahit bisperas na ng Pasko, marami pa rin ang mga bumibiyahe para magsiuwian sa kani-kanilang mga lugar at doon magdiwang ng Kapaskuhan.
Sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) sa nakalipas na magdamag mula alas 6:00 ng gabi ng Linggo, Dec. 23 hanggang alas 6:00 ng umaga ng Lunes, Dec. 24, mayroon pang 84,908 na mga pasaherong bumiyahe sa iba’t ibang pantalan sa bansa.
Kabilang sa nakapagtala ng mga pasahero ang sumusunod na mga pantalan:
– Central Visayas- 21,565
– Southern Tagalog- 14,153
– Western Visayas – 11,807
– Northern Mindanao – 9,858
– South Eastern Mindanao – 7,150
– Eastern Visayas – 6,675
– Bicol – 4,135
– Southern Visayas – 4,075
– Southwestern Mindanao – 2,624
– Palawan – 1,552
– National Capital Region-Central Luzon – 286
Sa ngayon sinabi ng coast guard na nananatiling matiwasay ang sitwasyon sa lahat ng mga pantalan sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.