Pag-itsapwera ni Duterte sa holiday ceasefire ng CPP binatikos ni Sison

By Rhommel Balasbas December 24, 2018 - 03:50 AM

Naging maanghang ang mga pahayag ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison laban kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong pag-utos na ipagpapatuloy ng gobyerno ang opensiba laban sa mga komunistang rebelde.

Sa isang talumpati sinabi ni Duterte na hindi siya kakagat sa holiday ceasefire ng mga rebelde at inatasan niya rin ang militar na wasakin ang mga ito.

Sa isang pahayag, tinawag ni Sison si Duterte na numero unong lumalabag sa karapatang pantao.

Giit ni Sison, nagbibigay lamang ng lisensya ang presidente sa kanyang mga tropa na pumatay sa sinumang hinihinalang miyembro ng CPP, mga organisasyon o mga bumabatikos sa nagaganap na mga iregularidad sa gobyerno.

Tinawag din ni Sison ang pangulo na ‘mastermind’ ng terorismo sa bansa.

Matatandaang nagdeklara ng temporary ceasefire ang CPP laban sa gobyerno bilang pakikiisa sa Kapaskuhan.

Gayunman, igiit ni Pangulong Duterte na hindi magpapatupad ang gobyerno ang ceasefire at tuloy ang operasyon laban sa mga komunista.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.