50th anniversary celebrations ng CPP hindi mapipigilan ng gobyerno
Kumpiyansa ang Communist Party of the Philippines (CPP) na hindi magtatagumpay ang gobyerno na pigilan ang mga pagdiriwang para sa kanilang 50th anniversary ngayong buwan.
Sa isang pahayag, sinabi ng CPP na hindi mapipigilan ng mga opensiba ng militar ang mga inihandang aktibidad para sa kanilang anibersaryo.
Sa katunayan anila ay marami nang lugar ang nagsagawa ng maagang pagdiriwang at matagumpay na naidaos na hindi man lamang napapansin ng gobyerno.
Iginiit pa ng CPP na bagaman nagdeklara sila ng unilateral ceasefire para sa Kapaskuhan ay handa silang bawiin ito kung kinakailangan.
Matatandaang sa isang talumpati, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya kakagat sa ceasefire ng mga rebelde kasabay ng pag-uutos na wasakin sa militar ang mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.