Palasyo nagpaabot ng pakikiramay sa mga biktima ng volcano tsunami sa Indonesia

By Rhommel Balasbas December 24, 2018 - 03:08 AM

AFP photo

Nagpaabot ng pakikiramay ang Palasyo ng Malacañang sa mga biktima ng ‘volcano tsunami’ na tumama sa Indonesia Sabado ng gabi.

Sa isang pahayag, ipinaabot ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang simpatya at panalangin para sa mga mamamayan ng Indonesia.

Umabot na sa 222 ang nasawi sa malagim na trahedya na partikular na tumama sa South Sumatra.

Samantala, iginiit naman ni Panelo na patuloy na binabantayan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Jakarta ang sitwasyon ng mga Filipino sa naturang bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.