2018 MMFF Parade of Stars magaganap na mamaya
Inaabangan na ang taunang annual Parade of Stars ng 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) na nakatakdang ganapin mamayang hapon.
Ngayong taon, ang Parañaque City ang host at venue ng parada.
Sa abiso ng MMFF Executive Committee magsisimula ang parada sa Soreeno St., kakanan sa Dr. A Santos Ave., didiretso sa Ninoy Aquino Ave., kakaliwa sa Kabihasnan at kakanan sa Quirino Ave., kakaliwa sa MIA Road gamit ang Eastbound Lane at muling kakaliwa sa Bradco Ave.
Alas-dose pa lamang ng tanghali ay isasara na ang Dr. A Santos Ave. at mayroong ipatutupad na mga counterflow.
Samantala, para maging patas, nagkaroon ng palabunutan para sa pagkakasunud-sunod ng floats.
Mauuna ang pagparada ng float ng Vice Ganda movie na ‘Fantastica’ ng Star Cinema.
Ipalalabas na sa mga sinehan ang MMFF movies sa December 25.
Magaganap ang MMFF Gabi ng Parangal sa Disyembre 27, sa The Theater sa Solaire.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.