Mall hours sa panahon ng APEC, dapat ibahin ayon sa isang mambabatas

By Kathleen Betina Aenlle November 16, 2015 - 04:42 AM

mall saleIminungkahi ni Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na makipagkasundo sa mga mall owners na ibahin ang kanilang mga store hours sa panahon ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit.

Ayon kay Gatchalian, mas maiging makipag-ugnayan na ang ahensya sa mga malls sa Metro Manila hinggil dito dahil paniguradong maraming tao ang magna-nais lumabas at pumunta sa mga malls sa panahong ito.

Ito ay dahil idineklarang holiday ang mga araw ng APEC summit, at kakasweldo lamang ng karamihan sa mga empleyado, kaya tiyak na maraming mamimili ang susuungin pa rin ang EDSA.

Sa ganitong paraan ani Gatchalian, mas makakasiguro ang MMDA ng mas magaan na daloy ng trapiko sa mga pangunahing daan na babagtasin ng mga APEC delegates.

Nauna nang pinayuhan ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte ang publiko na mamasyal na lamang sa labas ng Metro Manila sa panahon ng APEC upang maiwasan ang trapiko.

Ngunit, iginiit naman ni Gatchalian na hindi ito praktikal at opsyon sa karamihang dalawang araw lang naman ang matatamasang bakasyon.

TAGS: apec summit 2015, apec summit 2015

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.