Dating mayor patay sa ambush sa Cagayan De Oro City

By Angellic Jordan December 22, 2018 - 05:10 PM

Patay sa pamamaril ang dating alkalde ng Kadingilan, Bukidnon at real state developer sa Cagayan de Oro, Sabado ng umaga.

Ayon sa ulat ng Philippine National Police, nagmamaneho ang biktimang si Joelito “Jukens” Talaid ng kaniyang itim na Dodge Ram pickup truck nang biglang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin.

Nakasakay ang mga gunman sa motorsiklo nang barilin si Talaid ilang metro lamang ang layo mula sa Hall of Justice sa bahagi ng Mastersons Avenue sa Barangay Upper Carmen.

Sa isang pahayag, isinalarawan ni Mayor Oscar Moreno ang krimen bilang “senseless” at “barbaric act.”

Kasunod nito, hinikayat ng alkalde ang mga otoridad na agad hulihin ang mga suspek para mabigay ang hustisya sa pagkamatay ni Talaid.

Isang team ng mga pulis sa lugar ang binuo para hanapin ang mga nasa likod ng pamamaril.

TAGS: bukidnon, Cagayan De Oro City, jukens talaid, Kadingilan, PNP, bukidnon, Cagayan De Oro City, jukens talaid, Kadingilan, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.