Abu Sayyaf member arestado sa Binondo, Maynila
Arestado ng mga kagawad ng National Regional Police Office (NCRPO) ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group na wanted dahil sa pagdukot sa 15 katao sa Mindanao.
Ang suspek na kinilalang si Sadais Asmad y Sali, alyas Abu Nas, Suhud at Jul na sinasabing supporter din ng Maute group ay kabilang sana sa reinforcement group ng grupo sa Marawi siege.
Base sa nakuhang impormasyon ng NCRPO, galing sa Zamboanga City ang suspek at nagta-trabaho bilang delivery boy sa Baseco compound sa Tondo.
Naaresto ito noong nakaraang Huwebes sa Elcano street, Brgy. 271 sa Binondo, Maynila ng mga operatiba ng NCRPO na may bitbit na warrant of arrest na inisyu ng Basilan Regional Trial Court noong 2008 kaugnay ng kasong kidnapping and serious illegal detention.
Nakumpiska sa suspek ang isang Cal. 45 na baril, isang magazine at mga bala kaya nakatakda din itong sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunitions Act of 2013.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.