Roxas Boulevard, “no-walk” zone ngayong APEC week

By Kathleen Betina Aenlle November 16, 2015 - 04:30 AM

roxas boulevard
Inquirer file photo

Hindi na lamang sa mga sasakyan isasara ang mga daanan sa Roxas Boulevard, kundi pati na rin sa mga pedestrians.

Simula ngayong araw ng Lunes, November 16, wala nang mga sasakyan at pedestrians na papayagang dumaan sa Roxas Boulevard bilang bahagi ng mas mahigpit na seguridad sa kasagsagan ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit.

Ayon kay Manila Disaster Risk Reduction and Management Office head Johnny Yu, ito’y alinsunod na rin sa direktiba ni Manila Mayor Joseph Estrada at ng mga nakatataas na opisyal ng pamahalaan na tumulong sila sa pagtitiyak na maging ligtas ang pagdaraos ng APEC dito sa Metro Manila.

Dagdag pa ni Yu, pansamantala munang pagbabawalan ang publiko na mamasyal sa kahabaan ng Roxas Boulevard at bawal rin maligo sa Manila Bay.

Magtatalaga ng mga pulis sa nasabing lugar para magbantay, gayunpaman aniya, wala namang multa na ipatutupad.

Ito ani Yu ang kauna-unahang pagkakataong magdedeklara ng “no-walk zone” sa bahagi ng Baywalk ng Roxas Boulevard para sa pagdaraos ng espesyal na okasyon.

Tanging mga tauhang nakatalaga para sa APEC lamang na may mga karampatang identification cards ang pahihintulutang dumaan at pumasok sa lugar.

Umapela naman si Estrada sa mga Manilenyo at sa publiko na makiisa sa pamahalaan sa pagtitiyak ng seguridad ng mga delegado ng APEC.

TAGS: apec summit, roxas boulevard, apec summit, roxas boulevard

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.