Pasok sa gobyerno sa Dec. 26 sinuspinde ng Malakanyang
Mahaba-habang bakasyon ang naghihintay para sa mga empleyado ng gobyerno.
Sa memorandum circular number 55 na nilagdaan ni Executive Sec. Salvador Medialdea, sinuspinde ang pasok sa gobyerno sa December 26, araw ng Miyerkules.
Sakop ng suspensyon ang mga empleyado sa executive branch kabilang ang mga GOCCs, GFIs, State Colleges and Universities at Local Government Units.
Dahil dito, limang araw ang Christmas Holidays ng mga empleyado ng gobyerno kasama ang Sabado at Linggo.
Pinayuhan naman ng Malakanyang ang mga empleyado na nasa basic at health services, disaster preparedness/response at calamities na manatiling naka-duty.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.