Payo ng PNP sa mga bakasyunista: Huwag agad magpo-post ng larawan, update sa social media
Pinayuhan ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na maging maingat sa pag-post sa social media ng udpate
hinggil sa kanilang pagbabakasyon ngayong Holiday season.
Ayon kay PNP Deputy Spokesperson Supt. Kimberly Molitas, mas mainam na lagyan ng level of security ang social media.
Mahalaga aniya na magkaroon din ng privacy lalo na sa pagbabahagi ng mga larawan o update upang hindi mabiktima ng mga kawatan.
Payo ni Molitas, kung magbabakasyon ngayong long weekend, i-delay ng ilang oras, o isang araw ang pag-post ng larawan at status.
Kung nagpo-post naman ng live video, ibahagi ito sa mga kaibigan lamang at huwag i-public.
Maging ang pag-on ng location ay dapat din aniyang pag-ingatan upang hindi nasusubaybayan kung nasaang lugar ang pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.