Posisyon ni Pang. Duterte sa pag-abolish sa Road Board pinal na – Malakanyang

By Dona Dominguez-Cargullo December 21, 2018 - 03:13 PM

Pinal na ang posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa kagustuhan nitong i-abolish ang Road Board.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, desidido ang pangulo na i-abolish ang corrupt-ridden na ahensya.

Noong Huwebes (Dec. 20) ng gabi, tinanong umano niya ang pangulo hinggil dito at sinabing ayaw na ng pangulo ang Road Users’ Tax dahil ginagamit itong gatasan ng mga kurap na pulitiko.

Noon pa aniya ayaw ng pangulo sa Road Users’ Tax.

Una nang sinabi ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., na nais ni Pangulong Duterte na panatalihin ang Road Board.

TAGS: president duterte, Road Board abolition, Salvador Panelo, president duterte, Road Board abolition, Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.